Army tumulong sa pamamahagi ng Social Amelioration sa Abra

    Fort Magsaysay, Nueva Ecija – Tinulungan ng 24th Infantry (WILDCAT) Battalion ng Philipine Army ang Department of Social Welfare and Development (DSWD)sa pamamahagi ng Social Amelioration Program (SAP). Kasama rin ang Abra Police Provincial Office sa pamimigay na ginanap sa Barangay Lenneng, Licuan-Baay, Abra noong ika-15 ng Abril 2020 na pinapangunahan ni Ginang Kaizy Joy D. Pasamonte, Abra, Provincial Coordinator ng DSWD na nagkakahalaga ng PHP 5,500 bawat pamilya sa nasabing barangay.
    Bukod sa pamimigay ng tulong pinansyal ay isininabay na rin ng grupo ang pamimigay ng relief goods sa nasabing barangay na naglalaman ng 10 kilong bigas, mga de-latang pagkain, noodles, isang boteng mantika, isang boteng bagoong at mga gamit panlinis ng katawan gaya ng toothpaste, sabon at shampoo.
    Ayon naman kay Lt. Colonel Ulysis V. Laude, Battalion Commander ng 24IB, “Maaasahan ninyo na ang inyong kasundaluhan ay palaging handang magbigay ng seguridad lalo na sa pamamahagi ng Special Amelioration ng DSWD para sa mga kababayan nating naapektohan ng pandemyang COVID-19."

    © 2018 Philippine Army. All Rights Reserved. Designed By AC of S for C4S, G6, 7ID and 7TH SIGNAL BATTALION, ASR, PA